Ang Aking Reaksyon sa Nobelang "Noli Me Tangere"

            Sumulat ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ng isang nobelang nais ipabatid kung anong uri ng lipunan mayroon ang Pilipinas at ang mga sinapit ng mga Pilipino sa pagmamalupit ng mga Kastila na pinamagatang "Noli Me Tangere". Ito ay galing sa salitang Latin na ang kahalugan sa Tagalog ay "Huwag mo akong Salingin" at "Touch me Not" sa Ingles. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng mga tao. Itong nobelang ito ay isinulat ni Rizal na naglalarawan sa nangyari sa ating lipunan noong sinakop tayo ng mga dayuhan at kung ano ang mga problema at suliranin ng ating bansang Pilipinas.

Makikita sa isa sa mga tauhan sa nobela na si Crisostomo Ibarra ang katauhan at repleksyon ni Dr. Jose Rizal dahil kung maihahalintulad sila ay parehong may pakealam at malasakit sa bayan, edukado, matapang, maka-diyos, at hindi iniisip ang sarili lamang.
Pinagusapan sa nobela ang mga suliranin ng bayan na nararanasan ng mga Pilipino mula sa mga dayuhan na hindi nila kayang solusyonan at ipaglaban dahil kapag ginawa nila iyon, sila ay makakaranas ng pagmamalupit. Tinawag na mga mang-mang ang mga mamamayang Pilipino dahil ang mga may mataas na katungkulan at mga makapangyarihan ay mga mapang-api at matapobre, sila ay naniniwala lamang sa kanilang sariling kakayahan.

Ilan sa mga problema noon na kinahaharap pa rin ng ating bansa hanggang ngayon ay ang korapsyon, diskriminasyon, at ang mga di-makatarungang batas na mas pinapaboran ang mga may kapangyarihan. Nabubulag ang mga tao sa salapi at dahil doon ay hindi nila nalalaman kung ano ba ang mas tama.
Ang nobelang ito ay nakatutulong na mas lalo pa nating buksan at palawakin ang ating mga isipan na gumawa ng mga magandang pagbabago sa ating bayan. Makakatulong ang edukasyon sa pagsolusyon sa mga problemang kinahaharap nga bansa at matatakwil nito ang mga kanser sa lipunan. Dahil sa edukasyon, nahuhubog ang ating pagkatao na gumawa ng mga bagay na masasabing ang ating bayan ay maunlad na bayan at hindi puro kamalian at problema.

Kaya bilang mga kabataan dapat nating patunayan ang sinabi ng ating pambansang bayani na "Ang Kabataan ang pag-asa ng Bayan". Nasa atin nagmumula ang pagbabago kaya't bago tayo gumawa ng pagdedesisyon ay isipin muna natin ang kung ano ang mas tama. Ang nobelang ito ay maaaring magsilbing gabay sa atin sa lalakbayin nating landas at matagumpay na pamumuhay.

Ang nobelang Noli Me Tangere ay nakatutulong upang mamulat tayo sa realidad na nangyayari sa ating bansa. Nakakatulong ito na gumawa tayo ng pagbabago sa ating bayan at bigyang pansin ang mga mali na nangingibabaw sa ating lipunan. Na huwag magpaapi sa mga dayuhan at huwag matakot na ipaglaban ang ating kalayaan at mga karapatan.

Mga Komento

  1. Harrah's Cherokee Casino - MapYRO
    Harrah's Cherokee Casino is in 삼척 출장샵 Cherokee, North 서울특별 출장안마 Carolina and offers 2100 대전광역 출장샵 slots and 양산 출장안마 video poker machines. The casino's 170000 square foot gaming space features Address: 777 Casino 여수 출장마사지 Drive

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento